Deutsch 10-11 (Com Sci Blog)

A collection of boredom, knowledge, and products of boredom. (First Three Posts) Online Portfolio for Frau Jeanne Arroyo German 10-11 kurs[GA] My Personal Blog [PB]

Monday, August 15, 2011

Pagsusuri sa Sarili

Isang kurso na ang nagwakas, at ngayon ko lamang napag-alaman na maaari pa lang di sa Aleman ang pagsusulat. Hindi, maari mang naririnig rinig ko na, ay ngayon ko lang pinaniwalaan. Di ko rin nalaman na kada-kabanata ang pagsusulat.

Bagama't huli na. Isang bagay ang kulang sa akin. Ang pagpasok ng maaga, at nasundan pa ito ng kakulangan sa pagtatanong. Marahil bagsak ako kung ikukumpara sa aking mga kaklase, pero gaya nga ng sabi ng aming guro, si Frau Arroyo, ang sukatan ay ang pag-angat ng kaalaman.

Hindi man ako naging matagumpay sa pakikinig ng Aleman, (sa kadahilanang, wala na ngang sound card ang kompyuter ay di pa ako nakapapasok ng maaga) naniniwala akong bagama't maraming pagkakamali, sa awa't tulong ng Dios ay naintindihan ko naman ang gramatika. Ang tamang paggamit ng Artikel, ang tamang posisyon ng pandiwa, ng modal verb at iba pa. Tila function sa aking isipan. Gayunman ay di ako makapagsisinungaling, nagkulang ako sa pag-alaala ng mga gender. Alam ko man ang function kapag panlalaki, pambabae, o niyutral man, ay di ko magamit sapagka't di ko naaalala kung sa alin sa tatlo ang pangalang binabanggit nahuhulog.

Ngayon, bilang katapusan ng Aleman 10 at panimula ng Aleman 11, kung loloobin ng Panginoon, ay di na ako magpapahuli sa klase.

Gaya ng nasa Kawikaan
Kawikaan 6:6  Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:

Mabuti pa sa akin ang langgam. Kaya ngayon, kung loloobin ay tuwing Lunes ay magsusulat ako dito sa portfolio.

Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking mga pagkakamali at pagkukulang dulot ng kahinaan at kabiglaanan.

Salamat sa Dios sa kanyang kaloob na di masabi.
Wenn Gott will und ich will.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home