Pagmamahal Sa Wala
Hanapin nyo nga secret message... Beh :P
Maraming babae, maraming maganda,
Ang pagpili naman ay hindi problema.
Hinahangad pa rin ay ikaw, Bañaga.
Ang puso ko ba ay tumitibok na?
Lahat ng taong ikaw ay malayo na,
Nalulumbay ako at nangungulila.
Ang puso ko ba ay aking hahayaang
Mahalin ng iba’t magmahal sa iba?
Ang layo ay aking babaliwalain.
Humahayo ako para ka’y dalawin.
Ang kinahinatnan naman ay wala rin.
Lingon ma’y wala, ayaw mo kong harapin.
Kahit na gayo’y bumalik-balik ako.
Inisip kong sana’y patatawarin mo.
Tanyag na tanyag ako sa paglisan ko
At dahil sikat ay dating babaero
Kailanma’y ‘ikaw at maraming iba’.
Ito ang datihang aking nadarama.
Mahal na nga kita, sa’king pag-iisa.
Bumalik sana ang sa aki’y tiwala.
Elementarya lang, una kang nakita,
Ramdam ko ang saya at dinig ang kanta
Liwanag ng paligid ay nasilayan,
Yaman ka ng ating gandang kalikasan.
May limang taong ika’y aking kaklase.
Ba’t naman sa huli ko lamang nasabing
Ang unang minahal sa mga babae,
Nanay ko, pero sa’yo ay mas grabe.
Ang unang pag-ibig gaanong katamis.
Gaanong sa tuwina’y hiya’y nagwawagi,
At kahit makita lamang kinikilig,
Hindi makausap at di mapakali.
Anghel ka na aking naging inspirasyon
Na araling maigi lahat ng leksyon.
Dito ko nagawang magpapansin sa’yo.
Okay na, sumikat pa sa buong mundo.
Ginto ang bitbit ko sa aking pagbalik,
Naging sa babae ay ubod ng tinik.
Iniwan ang pag-ibig sa’yo unti-unti.
Paano nagawang ikaw ay limutin?
Ang aking paglipat sa ibang eskwela,
Eksena kung kailan kita naalala.
Nawala ka muna, bago nakumpirma.
Ganito ba tal’ga pag puso’y nagdikta?
Hanapin nyo nga secret message... Beh :P
Maraming babae, maraming maganda,
Ang pagpili naman ay hindi problema.
Hinahangad pa rin ay ikaw, Bañaga.
Ang puso ko ba ay tumitibok na?
Lahat ng taong ikaw ay malayo na,
Nalulumbay ako at nangungulila.
Ang puso ko ba ay aking hahayaang
Mahalin ng iba’t magmahal sa iba?
Ang layo ay aking babaliwalain.
Humahayo ako para ka’y dalawin.
Ang kinahinatnan naman ay wala rin.
Lingon ma’y wala, ayaw mo kong harapin.
Kahit na gayo’y bumalik-balik ako.
Inisip kong sana’y patatawarin mo.
Tanyag na tanyag ako sa paglisan ko
At dahil sikat ay dating babaero
Kailanma’y ‘ikaw at maraming iba’.
Ito ang datihang aking nadarama.
Mahal na nga kita, sa’king pag-iisa.
Bumalik sana ang sa aki’y tiwala.
Elementarya lang, una kang nakita,
Ramdam ko ang saya at dinig ang kanta
Liwanag ng paligid ay nasilayan,
Yaman ka ng ating gandang kalikasan.
May limang taong ika’y aking kaklase.
Ba’t naman sa huli ko lamang nasabing
Ang unang minahal sa mga babae,
Nanay ko, pero sa’yo ay mas grabe.
Ang unang pag-ibig gaanong katamis.
Gaanong sa tuwina’y hiya’y nagwawagi,
At kahit makita lamang kinikilig,
Hindi makausap at di mapakali.
Anghel ka na aking naging inspirasyon
Na araling maigi lahat ng leksyon.
Dito ko nagawang magpapansin sa’yo.
Okay na, sumikat pa sa buong mundo.
Ginto ang bitbit ko sa aking pagbalik,
Naging sa babae ay ubod ng tinik.
Iniwan ang pag-ibig sa’yo unti-unti.
Paano nagawang ikaw ay limutin?
Ang aking paglipat sa ibang eskwela,
Eksena kung kailan kita naalala.
Nawala ka muna, bago nakumpirma.
Ganito ba tal’ga pag puso’y nagdikta?
